Joshua 6

1Ngayon nakasara lahat ang mga pasukan ng Jerico dahil sa hukbo ng Israel. Walang sinuman ang lumalabas at pumapasok. 2Sinabi ni Yahweh kay Josue, “Tingnan mo, ibinigay ko sa inyo ang Jerico, ang hari nito at mga sundalong sinanay nito.

3Dapat kayong magmartsa sa palibot ng lungsod, lahat ng kalalakihan sa digmaan ay lilibutin ang lungsod nang minsanan. Dapat ninyong gawin ito sa loob ng anim na araw. 4Dapat dalhin ng pitong pari ang pitong trumpetang gawa sa mga sungay ng lalaking tupa sa harapan ng kaban. Sa ikapitong araw, dapat kayong magmartsa ng pitong beses palibot ng lungsod at patunugin ng malakas ang mga trumpeta ng mga pari.

5Dapat silang magpatunog ng isang mahabang tunog gamit ang sungay ng lalaking tupa at kapag marinig ninyo ang tunog ng trumpeta dapat sumigaw ng napakalakas ang lahat ng mga tao at guguho ang pader ng lungsod. Dapat lumusob ang mga sundalo, bawat isa ng deretso lang.”

6Pagkatapos tinawag ni Josue na anak na lalaki ni Nun, ang mga pari at sinabi sa kanila, “Buhatin ninyo ang kaban ng tipan, at hayaang dalhin ng pitong pari ang pitong trumpetang gawa sa mga sungay ng lalaking tupa sa harapan ng kaban ni Yahweh.” 7At sinabi niya sa mga tao, “Lumakad kayo at magmartsa sa palibot ng lungsdo at ang mga armadong kalalakihan ay mauuna sa kaban ni Yahweh.”

8Tulad ng sinabi ni Josue sa bayan, dinala ng pitong pari ang pitong trumpetang gawa sa mga sungay ng lalaking tupa sa harapan ni Yahweh. Habang nauuna sila, pinatunog nila nang malakas ang mga trumpeta. Sumunod sa kanila ang Kaban ng Tipan ni Yahweh. 9Lumakad ang mga armadong kalalakihan sa harapan ng mga pari, at gumawa sila ng isang malakas na tunog sa kanilang mga trumpeta, pero pagkatapos ang hulihang bantay ay sumusunod sa likod ng kaban, at tuluy-tuloy na hinipan ng mga pari ang kanilang mga trumpeta.

10Pero inutos ni Josue sa bayan, sinabing, “Huwag kayong sumigaw. Dapat walang tunog ang lalabas sa inyong mga bibig hanggang sa araw na sabihin kong sumigaw kayo. Sa pagkakataong iyon lamang kayo dapat sumigaw.” 11Kaya idinulot niya na ang Kaban ni Yahweh ay ilibot nang minsan sa lungsod sa araw na iyon. Pagkatapos pumasok sila sa kanilang mga kampo at nanatili sila sa kanilang kampo sa gabing iyon.

12Kaya gumising ng maaga si Josue at binuhat ng mga pari ang Kaban ni Yahweh. 13Ang pitong paring may dala ng pitong trumpetang gawa sa mga sungay ng lalaking tupa sa harapan ng Kaban ni Yahweh at matatag na naglalakad, hinipan nilang malakas ang mga trumpeta. Naglalakad sa kanilang harapan ang mga armadong sundalo. Pero nang ang hulihang bantay ay naglakad sa likod ng Kaban ni Yahweh, saka hinipang malakas ng tuluy-tuloy ang mga trumpeta. 14Nagmartsa sila sa palibot ng lungsod nang minsan sa pangalawang araw at bumalik sa kampo. Ginawa nila ito sa loob ng anim na araw.

15Maaga silang gumising nang magbubukang liwayway nang ikapitong araw at nagmartsa sila palibot ng lungsod ayon sa nakasanayan nila, sa pagkakataong ito pitong ulit. Sa araw na ito sila nagmartsa palibot ng slungsod nang pitong ulit. 16Ito ay nasa ikapitong araw nang pinatunog nang malakas ng mga pari ang mga trumpeta, at iniutos ni Josue sa mga tao, “Sumigaw! Dahil ibinigay sa inyo ni Yahweh ang lungsod.

17Inilaan ni Yahweh para wasakin ang lungsod at ang lahat ng nasa loob nito. Tanging si Rahab ang bayarang babae ang mabubuhay—siya at lahat ng kaniyang sambahayan—dahil itinago niya ang mga lalaking ipinadala natin. 18Pero para sa inyo, mag-ingat kayo tungkol sa mga bagay na itinakda para wasakin, kaya pagkatapos ninyo silang tandaan para wasakin huwag ninyong kunin ang kahit ano sa mga iyon. Kung gagawin ninyo ito, gagawin ninyong isang bagay na dapat wasakin ang kampo ng Israel at magdadala kayo ng kaguluhan dito. 19Lahat ng pilak, ginto, at mga bagay na gawa sa tanso at bakal ay nakalaan kay Yahweh. Dapat dalhin ang mga ito sa ingatang yaman ni Yahweh.”

20Kaya sumigaw ang mga tao at pinatunog nila nang malakas ang mga trumpeta. Nangyari ito nang narinig ng mga tao ang tunog ng trumpeta, sumigaw sila nang napakalakas na sigaw at gumuho ang pader kaya umakyat ang mga tao sa lungsod, sumugod ang bawat isa. At nabihag nila ang lungsod. 21Winasak nila ng ganap ang lahat ng nasa lungsod gamit ang talim ng espada—lalaki at babae, bata at matanda, lalaking baka, tupa at mga asno.

22Pagkatapos sinabi ni Josue sa dalawang lalaking nagmanman sa lupain, “Puntahan ang bahay ng bayarang babae. Dalhin palabas ang babae at lahat ng kasama niya, ayon sa inyong sumpa sa kaniya.”

23Kaya ang kabataang lalaki na nagmanman ay pumasok at inilabas si Rahab. Nilabas nila ang kaniyang ama, ina, mga kapatid at lahat ng kamag-anak na kasama niya. Dinala nila sila sa isang lugar sa labas ng kampo ng Israel. 24At sinunog nila ang lungsod at lahat ng naririto. Tanging pilak, ginto at mga sisidlang tanso at bakal ang inilagay sa ingatang yaman ng bahay ni Yahweh.

25Pero pinahintulutan ni Josue si Rahab ang bayarang babae, ang sambahayan ng kaniyang ama, at lahat ng kasama niya na mabuhay. Nanirahan siya sa Israel hanggang sa araw na ito, dahil itinago niya ang mga lalaking ipinadala ni Josue para magmanman sa Jerico.

26Pagkatapos sa pagkakataong iyon inutusan sila ni Josue kasama ng isang panunumpa at sinabi niya, “Sumpain ang tao sa paningin ni Yahweh na magtatayong muli ng lungsod na ito, ang Jerico. Sa ikapapahamak ng kaniyang panganay na anak na lalaki, ilalatag niya ang pundasyon at sa ikapapahamak ng kaniyang bunsong anak na lalaki, itatayo niya ang mga tarangkahan nito.” Kaya kasama ni Josue si Yahweh at kumalat ang kaniyang katanyagan sa buong lupain.

27

Copyright information for TglULB